Dahil sa angking galing at talino, napiling mag-benchmark ni Passi City Mayor Atty. Stephen A. Palmares si Kalibo Mayor Juris Sucro sa isinagawang Boxing Clinic and Tournament sa City of Passi Arena.

Bago ang tournament ay nakipag-meeting muna si Mayor Sucro sa Deja Cafe, Passi kina Mr. Lorenzo Chao Sy, Philippine Sports Commission at Vice Chairman ng Cebu Sports Commission, ang kanyang anak na si Mr. Michael Sy, Diosdado “Dodie Boy” Peñalosa Sr., at Nonie Lopez – Philippine Sports Commission Visayas Cluster Head.

Inimbitahan rin ng Office of the City Sports and Development si Sucro matapos mapag-alaman ang mariing pagsuporta ng alkalde sa mga sports enthusiasts sa Kalibo at sa probinsya ng Aklan.

Tinalakay sa kanilang maikling pagpupulong ang mga programa ng Passi City pagdating sa sports development programs na maaaring ma-i-apply sa bayan ng Kalibo. Kasama sa naging pagbubukas ng tournament ang sikat na boxer na sina Onyok at Roel Velasco o mas kilala sa tawag na “Velasco” brothers.

Malugod namang nagpasalamat si Sucro asa mainit na pagtanggap ni Mayor Palmares.

#Bagongkalibo #ParaSaPagbabago

Source: https://www.facebook.com/plugins/post.php?href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2FBagongKalibo2022%2Fposts%2Fpfbid02mCG21aea9UPGVZWBhVyE7DMDxMr5JL6NSMUPiN68UsFsThYFGcv6X1qwkBm7LvHdl&show_text=true&width=500