Nagsagawa ang mga kawani galing sa Manila ng Dangerous Drugs Board (DDB) ng isang pagpupulong sa mga miyembro ng Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC) sa pangunguna ni Mayor Juris Sucro. Tinalakay sa nasabing pagpupulong ang mga isyu tungkol sa paggamit ng Anti-Drug Abuse Council-Reporting System (RS).

Pinag-usapan din kung paano pa mapapabuti ang reporting system at ang mga best practices upang lalong makatulong sa Anti-Drug Abuse na programa ng pamahalaan. Ipinaabot ni Mayor Sucro ang kanyang suporta sa mga programa ng DDB, DILG at iba pang ahensya ng pamahalaan para maabot natin ang adhikain na maging isang “Drug-Free Philippines”.

Kasama ni Mayor Sucro sa nasabing pagpupulong sina MLGOO Ava Miriam Seraspi, PMAJ Jason Belciña, MSWDO Lolly Espino, EA II Giselle Quimpo, SWO III Ma. Erle Sahiol, Nurse II John Michael Lachica, at Zeus Cerbatos.