Mahigit 200 na aplikante ang dumulog sa tanggapan ng Office of the Barangay Affairs upang mag-apply bilang iskolar ng Aklan Polytechnic College sa pakikipagtulungan sa Bagong Kalibo na pinangungunahan ni Kalibo Mayor Juris Sucro sa unang araw ng pagsusumite ng aplikasyon. Nito lamang Biyernes ay naglabas ng anunsyo ang alkalde na bukas para 180 slots sa Grade 7 at Unlimited Slots naman para sa Senior High School students ang naturang scholarship na maaaring ma-avail ng mga kabataang Kalibonhon.

Nagpapasalamat naman ang administrator ng alkalde na si Councilor Mark Sy sa pagtitiwala at pagsusuporta ng APC sa mga educational programs ng Bagong Kalibo na makakapagibigay ng malaking oportunidad sa mga estudyanteng nais makapagtapos ng pag-aaral.

Matatandaang, kabilang sa mga plataporma ng alkalde ang pagpapatibay ng pundasyon ng edukasyon sa bayan ng Kalibo at maibsan ang mga pasanin ng mga magulang sa pagpapaaral ng kani-kanilang mga anak. Kaugnay nito, inihahanda narin ng Bagong Kalibo 3,000 bags na may lamang school supplies na ipapamahagi sa estudyante ng Kalibo bago ang pasukan bilang tugon sa pangako ni Mayor Sucro.

#BagongKalibo

Source: Bagong Kalibo Facebook Page