Upang mas mapaigting ang serbisyo ng Bureau of Fire Protection (BFP) Kalibo, pormal nang binuksan ang Estancia Fire Sub-station sa Estancia Covered Court ngayong araw ng Martes, Setyembre 27.

Personal na dumalo si Mayor Juris B. Sucro, Vice Mayor Dr. Cynthia Dela Cruz, SB Matt Guzman, SB Atty. Christine Dela Cruz, BFP 6 Regional Director CSupt. Jerry D. Candido, Punong Barangay Daisy Andrade, Acting Provincial Fire Director of Aklan Chief inspector Roel L. Limjuco, at mga miyembro ng BFP Kalibo sa isinagawang Ceremonial Signing of Memorandum of Agreement Blessing and Activation of Estancia Fire Substation.

Sa naging mensahe ni Mayor Sucro, ipinaabot nito ang kanyang pasasalamat sa walang humpay na pagseserbisyo ng BFP Kalibo, mga partners, provincial at regional offices na mas mapalawak ang serbisyo ng kanilang ahensya.

Ayon pa sa alkalde, nakiki-isa sya sa BFP sa kanilang layunin na makapagserbisyo sa sa mga Kalibonhon lalo na sa panahon na kinakailangan.

“This Fire Sub-station will be a big help so we can immediately respond in case there will be fire incident along the area”, dagdag pa ng alkalde.