Pormal nang itinurn-over ni Kalibo Mayor Juris Sucro, Vice Mayor Cynthia Dela Cruz, Municipal Health Officer Dr. Jocelyn Garcia, at Nurse III Lorenz Laserna ang apat (4) na Vaccine Refrigerators para sa Routine Immunization sa ilang kabaranggayan sa Kalibo ngayong Lunes ng umaga, Agosto 1.

Ang naturang refrigerator units ay tinanggap ng mga midwife mula sa Barangay Linabuan Norte, Tinigao, Andagao, at Tigayon.

Ayon sa MHO, magiging malaking tulong ang mga refrigerator units upang hindi na pumunta ng RHU Birthing Center kung may vaccination drive ang mga napiling Barangay.

Bukod sa turn-over ay ininspeksyon rin nila ang paligid ng RHU Birthing Center sa N. Roldan Street, Kalibo.

#BagongKalibo

Source: https://www.facebook.com/plugins/post.php?href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2FBagongKalibo2022%2Fposts%2Fpfbid0eU41HSEtg3qjRaJkzBjPWJgzZWRqSj478wXPW6aZwbUHnQQk9fY4aXe1u7skV59kl&show_text=true&width=500